Ang Pananampalataya


Ang unang itatanong ko sa inyo na bumabasa ng polyetong ito ay: Cristiano ba kayo? Ang pagiging gaya ni Cristo ang ibig sabihin ng maging Cristiano. Gingagawa ba ninyo ang mga bagay na katulad ng ginawa ni Cristo noong siya’y narito sa lupa? Siya’y naglilibot na gumagawa ng mabuti, at pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ng diyablo.

Ano ang inyong layon at motibo sa buhay? Lubhang mahalaga na piliin ninyo’t tiyakin na tama ang inyong motibo, o kaya’y mali, anuman iyan. Layon ba ninyong magkaroon ng sariling tahanan" marahil ay makabili ng kotse at magkaroon ng maraming salapi sa banko" o kaya, layon ninyong magtatag ng sariling negosyo, magtamo ng karangalan o kapangyarihan sa daigdig? Kapag ganyan lamang ang iyong motibo, kaibigan, napakahamak na pangitain iyan. Ikaw man ang maging pinakamayaman, pinakatanyag, at pinakamakapangyarihan sa mundo, iyan ay walang kabuluhan at walang halaga. Natamong lahat ito ni Haring Solomon sa Biblia, gayunma’y sinabi niyang walang saysay ang mga bagay na ito.

Ang maging kalugud-lugod sa Dios ang tangi at nananatiling kayamanan. Walang halaga ang makapagtamo ka ng pinakamatayog na antas ng tagumpay sa buhay, sapagkat lahat ng iyan ay mapaparam at panandalian lamang, at mapaparam ang lahat.

Kapag binabanggit natin ang paghahanda para sa kinabukasan, nasaan ba ang kinabukasan? Hindi ba ito ay ang pagkapiling sa Dios? Siya ang may hawak sa isip ng hari, at naibabaling niya ito kung saan igawi, wika sa atin ng Biblia. Siya ang gumagawa ng dilim at liwanag, at nasusunod siya sa lahat ng bagay, ayon sa Kasulatan.

Pag wala ang Dios, walang kinabukasang maasahan sa san libutang ito o sa susunod man. Minsan, tinalakay ko sa isang ministro ang tungkol sa kanyang kinabukasan. Binabalak niyang maglingkod sa Dios sa sandaling mabayaran niya ang kanyang ipinagagawang bahay" subalit nang dumating ang huling pagbabayad, nalunod ang isa niyang anak. Mabuti sanang ipinailalim na niya sa Dios ang lahat sa kanyang buhay, sa pasimula pa lamang.

Isang lalaki ang dumalo sa isa naming gawain. Sa oras ng pagkilos ng Espiritu ng Dios sa panahon ng pananawagan na magsisi ang mga tao, nagkaroon siya ng pagkakataong tumanggap ng kaligtasan subalit siya’y tumanggi. Kinabukasan, sa isang kalapit na punerarya, minamasdan ko ang kanyang mukha na nakahiga sa kanyang kabaong nang magtatanghali. Mabilis na dumating ang kamatayan pagkaraang tanggihan niya ang Dios. Hindi siya handa na humarap sa kinabukasan.

Sa isa pang gawain, nanawagan din ako sa dalawang lalaki na manumbalik sa Dios, subalit sila’y tumanggi. Di nagtagal, kapwa namatay ang dalawang iyon. Kukulangin ang mga pahina kung ihahayag ko ang maraming nangyari sa panahon ng aking ministeryo, bilang pagpapatunay na walang hinaharap ang tao kapag wala ang Dios sa kanyang buhay.

Walang kaligtasan ang mga makasalanan, wika sa atin ng Biblia. Laging may umuusig at gumugulo sa kalooban ng mayamang tao. Walang saysay na pamumuhay yaong palagi kang tinatakot ng alalahaning mawawala sa iyo ang iyong mga mahal sa buhay" palagi kang pinagbabantaan ng pangam ba na ikaw ay magkakasakit, mababaliw at dadalawin ng mga trahedya sa buhay. Gayon din, ang malabis na pagpupunyagi at pag-iwas na mawala ang kayamanang pinaghirapan nating matamo" at ang paghamak natin sa ating kapwa at paglinlang sa kanila. Nariyan pa ang pagpapakitang-tao na tayo’y relihiyose, subalit sarili natin ang ating dinadaya, at gumagawa tayo ng sariling pangangatwiran na mayroon tayo ng pananalig at pag-asa na sadya namang wala pa sa ating puso. Matatawag ba nating mainam na buhay ang ganito?

Ang dapat nating maging mataos na layon ng paglilingkod sa ating kapwa tao ay dapat kapalooban ng katapatan, may pagmamalasakit, lagi nating nadarama na tayo ay tagapag-ingat ng ating kapatid. Bawat isa sa atin ay umaasa sa ating kapwa para sa iba’t ibang uri ng paglilingkod. Ganyan itinakda ng Dios ang pagkabuhay ng tao" kaya nga, talagang tayo ang tagapangalaga ng ating kapatid. Pinatay ni Cain si Abel at tinanggihan niyang matawag na tagapangalaga ng kanyang kapatid, sapagkat ang ibig niya’y sarili lamang ang bigyang-kasiyahan. Gagantihan ng Dios ang bawat tao ayon sa kanyang ginagawa. Ang taong nagka-kamal ng salapi sa pandaraya ay tatanghaling isang hangal, sa dakong huli, wika ng Kasulatan, at nawawalang lahat ang mga kayamanang iyon.

Huwag ninyong tingnan ang magagandang bahay, kasuutan at mga sasakyan ng mga tao. Huwag ninyong pahalagahang lubha ang karangalan, katanyagan at katungkulan nila" kundi isipin din ninyo ang bilang ng mga pagamutan ng mga baliw, ospital ng mga may tuberkulosis, ang balita araw-araw sa mga pahayagan at radyo, at lahat ng kalamidad sa buhay: ang mga sirena na nagpapahayag ng mga sakuna ay madalas umalingawngaw sa maraming lunsod. Ang nakagigimbal na mga pangyayari, kaakibat ang pagkasindak at pagkabigo, ay nagsasabi sa akin na hindi rito natatapos ang buhay. May isang mataas na antas ng pamumuhay na tigib ng kagalakan, kapayapaan at katuwiran. Natatagpuan ito kapag tayo’y naglilingkod sa Dios. Ang tinig na sumasamo sa lahat ng panahon ay nananawagan pa rin sa inyo at sa akin. Ito ang tinig ng Dios, sa pamamagitan ng kanyang mga anak, tumatawag sa mga tao, mula pa nang magsimula ang buhay sa sanlibutan.

Narinig na ang tinig ni Cristo sa panahon ng mga naunang salinlahi. Nanawagan siya noong panahon ni Noe, bago dumating ang kapahamakan. Nang panahon ni Cristo, sumamo ito sa mga tao bago bumagsak ang Jerusalem. Nangusap siya sa mga taong naglakbay sa malalawak na kapatagan, sa nagdirigmang mga tribu, sa mga inabot ng bagyo sa buhay, sa mga nakipagsapalaran dahil sa paghahanap na higit na mabuting uri ng pamumuhay sa panahon ng nakalipas na mga kasay sayan. At mula sa nakalipas, tumataginting pa rin ang malumanay na pangungusap ng nag-iisang taga-Galilea, na nabuhay nang puno ng paghihirap alang-alang sa inyo at sa akin. At ngayon, ang Tinig ding ito ay sumasamo, gumagawa ng pinakadakilang panawagan sa mga taong nakalubog sa lipunan ng sosyalismo. Ang tanong ko sa iyo, kaibigan, “Bakit hindi natin pinakikinggan ang panawagang ito na magsisi at talikdan na ang ating pamumuhay, huwag magmataas kundi makisama sa mga aba?”

Sinabi ni Cristo, sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging mapagmataas, makasarili, higit na iniibig ang sarili nila kaysa Dios. At sinabi naman ni Pablo na sa mga ganitong uri ng tao darating ang kapahamakan sa pagwawakas ng mundo. Marami sa inyo ang may mga budhi na animo’y hinerohan at halos wala nang pakiramdam, sapagkat ipinagkatiwala na ninyo kay Satanas ang inyong sarili upang gumawa ng lahat ng uri ng kalikuan.

Nakita ni Pedro na mapaparam at matutupok ang lahat ng bagay, kaya ang panawagan niya, “Italaga na ninyo sa Dios ang inyong sarili at mamuhay kayo nang ayon sa kanyang kalooban, habang hinihintay ang pagdating ng araw ng Dios.”

Ang Pedrong ito na pinagkalooban ng susi sa kaharian ay tumindig noong araw ng Pentecostes, nang matatag ang unang iglesya o kalipunan ng mga mananampalataya, at binuksan ang pinto para sa lahat ng salinlahi. Tatlong libo katao ang madaling pumasok sa pintuang iyon.

Sa humigit-kumulang na tatlong bilyong tao sa balat ng lupa ngayon, ilan kaya ang papansin sa pangungusap ng dakilang lider na ito, at sa pagkarinig sa tinig ni Cristo na mananawagan sa lahat ng salinlahi?

Ang panawagan ay ang magsisi’t talikdan ang kasalanan, magpabautismo sa pangalan ni Jesus-Cristo para mapatawad ang mga kasalanan, upang inyong tanggapin ang Kaloob na Espiritu Santo, sapagkat ito ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng tatawagin ng Panginoong Dios natin. Kabilang ba kayo sa mga tinatawag?

Sinasabi ng Biblia na ang mga taong ito’y nagpatuloy sa araw-araw at naging matatag sa turo ng mga apostol. Tandaan ninyo, Walang ibang paraan.

Kayo ay maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, na dulot ng kagandahangloob ng Dios" hindi sa pamamagitan ng mga gawa upang walang tao ang magpalalo, pagkat ito ay kaloob ng Dios. Narinig nila ang Salita ng Dios nang mangaral si Pedro" pinaniwalaan nila ang Salita" at ang pananampalatayang dumating dahil sa pakikinig ng Salita ng Dios, ay nahayag sa kanilang buhay nang talimahin nila ang Salita ng Dios na ipinangaral ni Pedro. Pagkatanggap nila sa Salita, naranasan nila ang bautismo ng Espiritu Santo, ang Espiritu ng Dios na siyang buhay na walang hanggan, ang kaligtasan at kapangyarihan ng muling pagkabuhay. Ang pangakong binitiwan ng Dios kay Abraham, na nakay Cristo, at kanyang tinupad noong Pentecostes, nang sabihin ni Pedro, “Ito ang pangako para sa lahat ng tatawagin ng Panginoon nating Dios.”

Sinasabi sa atin na magpakatatag bilang mga tinawag at hinirang ng Dios. Paano natin malalamang kabilang tayo sa mga hinirang ng Dios ayon sa kanyang kaalaman sa mula’t mula pa? Sinasabi sa atin sa I Pedro 1:2 na tayo nga ang mga hinirang ng Dios, ayon sa kanyang kaalaman noon pa mang una, upang pabanalin ng Espiritu Santo, maging masunurin kay Jesus-Cristo at maging malinis sa bisa ng kanyang pagkamatay.

Ibinigay na sa atin ng Dios ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay na matapat sa Dios, upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan. Sa pamamagitan nito, nangako siya ng mga bagay na mahalaga upang makaiwas tayo sa mapanirang simbuyo ng kahalayang umiiral sa mundong ito, at makahati sa kanyang kalikasan bilang Dios.

Sa talatang 5, sinasabi sa atin na sikapin nating idagdag sa ating pananampalataya ang kabutihang-asal" sa kubutihang-asal, ang kaalaman" sa kaalaman, ang pagsupil sa sarili" sa pagsupil sa sarili, ang katatagan" sa katatagan, ang kabanalan" sa kabanalan, ang pagmamalasakit, sa kapatid" at sa pagmamalasakit, ang pag-ibig. Kapag nasa inyo ang mga bagay na ito, hindi kayo magiging baog o walang bunga. At ang wala ng mga katangiang ito’y bulag, na nakalimutan niyang siya’y pinatawad na sa kanyang mga kasalanan.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandangloob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Sinabi ni Jesus na makikilala natin ang isang Cristiano sa pamamagitan ng kanyang bunga. Alam natin na tayo’y nakalampas na sa kamatayan tungo sa buhay, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang Dios ay Pag-ibig. Ang nananatili sa Pag-ibig ay nananatili sa Dios.

Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. Pinatutunayan ng mga bagay na ito na kayo ay isa sa mga tinawag at hinirang, kung nababadya ito sa inyong buhay.

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Dios? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, nangangalunya, nakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae, ang mga magnanakaw, mapaglasing, masasakim, mapanlait o nagdaray – ang ganyang mga tao’y walang bahagi sa kaharian ng Dios. Sinabi ni Pablo na huwag nating dadayain ang isa’t isa.

Ipangaral mo ang Salita ng Dios! Napapanahon man o hindi" hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral" sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga guro na walang ituturo kundi ang mga bagay na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan.

Kapag may sinumang nagtuturo nang iba kaysa rito, o ng turong hindi ayon sa kabanalan, ang taong iyon ay palalo, walang nalalaman, at mahilig sa mga tanong na pinagmumulan lamang ng hidwaan at likong palagay. Walang matuwid, wala kahit isa. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw" nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay binugbog at pinahirapan. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan" siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Ang binibigyang-diin ko rito ay ang pananampalataya na unang ipinagkatiwala sa mga unang mananampalataya. Manampalataya ka sa Panginoong Jesus-Cristo ngayon at ikaw ay maliligtas. Dalangin ko na madama mo ang pagpapalang ito ng Dios.

Ni Rev. George Leon Pike Sr.

Founder and first President of Jesus Christ’s Eternal Kingdom of Abundant Life, Inc.

Kabanalan Sa Panginoon

Ang mensaheng ito ay ipinalimbag para ipamahagi nang libre. Para sa karagdagang sipi, sumulat sa.

TAG9915T • TAGALOG • THE FAITH