Ang Salita Ng Diyos Na Nagpapagaling


Sa lahat ng hindi pa nararanasan ang buhay na sagana dapat nating malaman na ang Diyos ang Espiritu ng buhay at sa Kanya ay walang kamatayan sapagka’t nasa diyablo ang espiritu ng kamatayan. Binigyan tayo ng Diyos ng pansamantalang buhay dito sa lupa at naranasan natin ang kagandahan nito. Di ba kay ganda ng ating buhay kung wala tayong iniisip na pag-aalinlangan. Kay inam na maglakad sa daan o kaya ay maglakbay at makita ang ganda ng iba’t-ibang bulaklak sa parang at ang iba pang nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang kamay at magkaroon ng kalusugan sa ating katawan na di man lamang tayo nag-iisip ng kabalisahan, walang karamdaman at isang isipan na puno ng ligaya.

Tunay ang sabi ng manunulat na kung tayo ay kukuha ng tubig mula sa balon ng kaligtasan dapat ay may kagalakan tayo na pumasok sa pinto ng may pasasalamat at may pagpupuri. Ang wika nga ng Bibliya “ang sinomang mayroong pusong punong-puno ng ligaya ay makapagpapatuloy at ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan at ang malungkuti’y unti-unting namamatay. Sabi nga ng isang manunulat ang lungkot ay nakapagdudulot ng kamatayan. Kahit sino ay mababasa kung bakit ang Bibliya ay nagtuturo na ang paglilingkod sa Diyos ay kagalakan, kapayapaan at katuwiran tungo sa banal na espiritu. Kaya nga ang pananampalataya na nakasaad sa aklat ng pangako, na ito ay di dapat matinag, mawalan ng bisa ang salita ng Diyos, na tungo sa walang-hanggan at di nagbabago at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.

Ito ay mga salita na nagbibigay ng inspirasyon at buhay, mga pangakong puno ng pag-asa at kapatawaran sa sinomang nais lumapit. Ito ay mga pangako ng pagpapagaling para sa lahat. Ayon sa inyong pananampalataya ito ay mapapasainyo maging sino ka man na nilikha ng Diyos at tayo rin ang nagdedesisyon ng ating bukas.

Paano ang isang tao ay makararanas ng masayang buhay? Isa lamang ang paraan. Hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot. Hindi tayo ipinanganak ng may takot, bagkus ito ay isang masamang espiritu ng di-paniniwala sa mga salita at mga pangako ng Diyos na tayo ay kanyang nilikha at pangangalagaan.

Ang sabi ng Diyos “Huwag kayong mabalisa at matakot.” Nasa sa atin ngayon kung tayo ay magiging positibo sa ating pananampalataya sa Diyos. Katulad ng ating isip na may pananampalataya gayundin ang Diyos na nagbigay ng ganitong pananampalataya para sa Kanyang mga anak.. Ang sabi ni Pablo, “na tayo ay may kaisipan ng Diyos,” pero dapat natin itong ipamahagi ng walang bayad. Sa pamamagitan ng ganitong kaisipan na nasa ating espiritu at puso, ibinigay lahat ng Diyos ang kanyang kapangyarihan mula sa kanyang isip tungo sa ating katawan – tulad ng kaligtasan, kagalingan at iba pa. Ang kaharian ng Diyos ay nasa atin, kaya ang kagalingan ay nasa atin din tulad ng kaligtasan.

Ang sabi ni Pablo, “Tayo ay katawan ni Kristo”. Marami ang nabigo dahil pinabayaan nila ito. Si Kristo ang nagpakasakit at naghirap sa krus para lamang maging kaisa tayo sa Katawan ni Kristo at lubusang mapalaya sa lahat ng uri ng karamdaman at kasalanan. Ginawa natin ito ng may pananampalataya dahil sa kamatayan ni Kristo at para kilalanin na si Kristo ay namatay para tayo ay bigyan ng buhay. Kaya’t sa pananampalataya ikaw ay naniwala na si Kristo ang pumalit para sa iyo kaya nga ikaw ay nagkaroon ng dagliang kagalingan. Lagi nating tandaan na ang ating dating katawan ay nasa ilalim ng sumpa ng batas ni Moises, na napako sa krus at ngayon ikaw ay kaisa na sa katawan ni Kristo malaya ka na sa sumpa dahil sa iyong buong pananalig sa KANYA.

Ang tipan at pangako ng Diyos ay kay Kristo at natanggap natin ito dahil sa ating pananampalataya kay Hesus. Sa paniniwalang tayo ay katawan ni Kristo na naging atin ang pangako na ito. Tandaan natin na ang ating pananampalataya ay intelektuwal na kaisipan na ating iniugnay sa salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ang kaisipan ni Kristo. Ang pananampalataya ay ating makakamit sa pakikinig ng salita ng Diyos. Ang pananampalataya kay Kristo ay isang malalim na konbiksyon sa ating puso at espirito. Ang paniniwalang intelektuwal na tayo ay ligtas at pinagaling na ay nangangahulugan na tayo ay di na malilinlang at maliligaw. Ito ay dapat maging konbiksyon sa ating puso at espirito. Sa ating puso tayo ay naniniwala sa katuwiran at kung ano ang nasa puso ng tao ay iyon siya. Ang sabi ni Hesus, “Kung maniniwala ka sa iyong puso ng walang pag-aalinlangan kung gayon, anuman ang hilingin mo ay mapapasaiyo.” Ang puso ay hindi kaagad maniniwala ng lubusan hanggat hindi ito kumbinsido ng iyong tunay na pagmamahal at tunay na pagpupunyagi para sa Diyos. Kaya nga ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Ang iyong gawa ang siyang magpapabuhay sa iyong pagtitiwala sa biyaya ng Diyos para sa iyo.

Ang iyong pananampalataya kay Kristo ay malaya mula sa espirituwal na paghihirap nang ang limang pandama ng iyong katawan (paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy at damdamin) ay patay na mula sa pag-aayuno. Si satanas ay walang magagawa para sa iyo kapag lubusan ka ng nakalaya maliban na lamang kung ikaw ay hahadlangan sa pamamagitan ng iyong mga pandama. Ngayong naunawaan na natin ito maging matatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos na puno ng pangako.

Ang Diyos ang siyang magbibigay ng lahat ng iyong pangangailangan. Tandaan natin maging ito ay pisikal, pinansiyal o espirituwal SIYA ang magbibigay ng lahat ng ito. Ako ang Diyos na nagpapatawad ng lahat ng kasalanan at nagpapagaling ng karamdaman. Pansinin mo sinabi NIYA na lahat. Aking tatangalin ang karamdaman sa inyong kalagitnaan o mula sa inyong katawan.

Ang Diyos ay buhay at ang lahat ng katangian ng buhay tulad ng kagalingan, kaligtasan, kagalakan, kapayapaan at kasaganahan ay nagmumula sa Espiritu ng buhay at sa katawan ni Kristo na siyang naging katawan n’yo. Ang sabi ni Hesus, “Ako ay naparito upang kayo ay magkaroon ng buhay”. Kung ating iisipin ito ang kaisipan at pananampalataya ni Kristo, na kung umaagos ang tunay na kabutihan. “Hindi ba siya ang Kristo na nagbibigay ng lahat ng bagay”? tanong ni Pablo.

Ang espiritu ni satanas ay kamatayan. Ang bibliya ay nagsasabi na ang kamatayan ay dumating sa tao. Ang katangian ng kamatayan ay takot, pighati, kalungkutan, pag-aalinlangan, paghihirap at karamdaman. Ang lahat ng ito ay kaaway ng Diyos. Kaya si Kristo ay naparito dahil sa mga ito : salot, tuberkolosis, lagnat, pamamaga, pagkasunog, langib, pagkati, pagkabulag, pambubogbog at iba pang karamdaman. na hindi nakasulat sa aklat ng mga batas. Ikaw ay napalaya na. Ang lahat ng ito ay nakapailalim sa sumpa. Ikaw ngayon ay nasa biyaya na. Si Kristo mismo ang nagdanas ng sumpa para sa atin. Siya mismo ang nagtubos sa krus ng kalbaryo.

Lahat ng uri ng sakit at karamdaman sa buong sansinukob ay bunga ng kasalanan. Ang kasalanan na iyon ay ang hindi paniniwala sa salita ng Diyos. Si Eba ay nagkasala ng ganitong kasalanan. Ang walang pananampalataya ay kasalanan. Si Adan ang dahilan kung bakit lahat ng tao ay napailalim sa sumpa ng walang paniniwala. Kaya si Kristo ang nagtubos sa lahat ng tao mula sa sumpa ng walang pananalig. Kay Adan, lahat ay namatay: Kay Kristo, lahat ay nabuhay.

Ipinadala niya ang kanyang salita (Hesus) at pinagaling tayo. Ang pananampalataya sa Kanyang salita ay naging salitang may kahulugan. Tayo ang naging salita, isang sulat na nakilala at nabasa ng lahat ng tao, ang salita ng Diyos na nagkatawang tao. Isa tayo sa salita ng katawan ni Kristo at walang karamdaman sa Diyos dahil sa pamamagitan ng kanyang mga latay tayo ay pinagaling.

Ikaw ay may kalikasan ni Kristo. Natalo natin si satanas sa pamamagitan ng ating patotoo at dugo ni Kristo sa krus ng kalbaryo dahil sa paghingi ng tawad sa pamamagitan ng salita at gawa na ibinigay niya sa atin. At huwag kang manangan sa sariling karunungan kay Yahweh ka magtiwala ng buong puso at lubusan.

Sinusugpo ko ang lahat ng pagmamataas laban sa Diyos, takot at pag-aalinlangan at binibihag ang lahat ng isipan upang tumalima kay Kristo. Ang Diyos ay hindi maaaring pasubalian ang kanyang sinabi. Lagi N’yang iingatan ang kanyang salita para sa iyo.

Kung sa kanyang mga latay ikaw ay gumaling at di siya nagtatangi ng tao at tayo ay kanyang tinawag para sa mga bagay na di para sa atin - kung gayon ay atin nga (hindi mamumuhay ayon sa paningin bagkus ang matuwid ay mabubuhay ayon sa pananampalataya) kung gayon ang iyong pananalig ang siyang nagpagaling sa iyo.

Sinabi ng Diyos sa kanyang salita, “Aking nais na kayo ay managana sa inyong kalusugan gayundin ang inyong kaluluwa.” Ang kasaganaan ng inyong kalusugan ay binabalot ng kasaganaan ng inyong kaluluwa. Ang Diyos ang nagbigay ng kapangyarihan na yumaman. Kaya dapat ang iyong kayamanan ay gamitin mo sa gawain ng Diyos para sa walang-hanggang yaman.

Maniwala ka (tandaan mo ang konbiksyon ng iyong puso) na ang iyong sakit ay talagang wala na at pinagaling ka na. At hindi ito puwedeng magkamali. Maaari kang maniwala sandali at manatiling may sakit at magdusa, datapwat kung ikaw ay maniniwala ng lubusan ito ang magkokontrol sa iyong katawan at ito ang magpipilit sa iyo na gumawa ka ng matuwid at maging patotoo ang iyong mga gawa. Hindi tayo maaaring pabayaan at iwanan ng Diyos at hindi tayo bibiguin ng Diyos. Kinalimutan natin ang Diyos dahil sa ating kawalan ng pananalig. “Humingi ka ng buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan”, sabi ni Hesus. Ang sabi ni Juan “Ito ang ating pagtitiwala sa Diyos: na anuman ang ating hingin sa kanyang pangalan ay ating matatanggap. Kung ang ating puso ay walang pag-aalinlangan at may buong tiwala sa Diyos.” Sabi ni Pablo, “Pinagsisikapan kong lagi na maging malinis ang aking isipan para sa tao at sa Diyos.” “Sa lahat ng humihingi ay makatatanggap”, iyan ang sabi ng bibliya. Ang wika ni Hesus, “Anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, ay aking ibibigay.” At upang maihayag ang kaluwalhatian ng kanyang Amang nasa langit. Humingi ka upang maging ganap ay iyong kagalakan. Ang Diyos ang nagpasan ng iyong karamdaman at kalungkutan sa krus ng kalbaryo at sa pamamagitan ng kanyang latay ikaw ay gumaling. Ang sabi ni Hesus, “Naganap na.” Kung siya ang nagdusa para iyo, e bakit mo hahayaang muli kang malinlang ng kasinungalingan ni satanas?

Dapat mong tandaan, ang pananampalataya ay isang anyo ng pagsuko mo ng iyong kaisipan at kalooban sa Diyos. Ang manalig sa Kanyang salita ay isang pagtanggi sa iyong sariling kaisipan at pagod na damdamin. Ang mag-isip ng positibo sa lahat ng Kanyang pangako ay isang pag-alis ng mga negatibong kaisipan na ikaw ay talunan at ito ang magbibigay sa iyo ng kagalakan, kalusugan, at kayamanan sa iyong daraanan. Kapag huminto ka sa paniniwala kusa rin itong hihinto. Lagi mong babantayan ang iyong kaisipan at damdamin. Magbago ka na sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong isip. Laging manatili sa iyo ang malinis na kaisipan na tulad ni Kristo at mag-iba na kayo ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap. Si Kristo ang ating Punong Saserdote, na siyang nagpagaling ng lahat ng ating karamdaman at namagitan sa ating puso na magkaroon tayo ng tunay na pagsisisi.

Dahil sa puso - ang tao ay naniniwala sa katuwiran. Ang paghingi ng tawad mula sa ating mga bibig ang naging dahilan ng ating kapatawaran. Humingi ng tawad, maniwala, tumanggap at maging ganap sa pangalan ng ating panginoong Hesus Kristo mula sa ating pagdurusa, karamdaman at pagkatalo. Pagpalain kayo ng Poong Maykapal ang lagi kong dalangin.

Mula kay Rev. George Leon Pike Sr.

Founder and first President of Jesus Christ’s Eternal Kingdom of Abundant Life, Inc.

Kabanalan Sa Panginoon

Ang mensaheng ito ay ipinalimbag para ipamahagi nang libre. Para sa karagdagang sipi, sumulat sa.

TAG9908T • TAGALOG • GOD’S HEALING WORD